Saturday, 24 November 2012

Make Paramdam!

Oh hello boys and girls! Welcome to the wonderful world of pain and misery and cuh-raziness! Joke lang. Welcome! Oh ayan, nabuhay na naman ako after such a long time. Puro kasi 'yung isang personality ko ang nangingibabaw these past few days e, 'yung pa-demure side. Charot. Okay so let's get it on!
Eto na naman, ang mga tips about sa pakikipagsocialize sa ibang tao. Sa totoo lang, kung gagawin nating simple ang lahat ng bagay, less people ang mag-iinarte tungkol sa buhay nila na sobrang saklap.(Aral-aral din mga papormang ewwness). 

Okay, so ang mga tips na ito ay about sa "how to make paramdam" to your loved one and stop being "torpe" ya know. Conyo style. Charot lang 'yung conyo style.
Okay, puro nonsense na sinasabi ko so let's start!

Unang-una, make the first move. Kung ikaw may gusto, 'wag masyadong pa-sissy at maghintay. Kung hindi rin naman sya makakuha ng hint, tigilan na natin ito kung wala ka rin namang gagawin. Ang usual tendencies naman kasi ng tao ay magkagusto sa taong binibigyan sya ng espesyal na attention maliban na lang kung di ka talaga trip at ayaw nya sa mukha mo. Sorry na lang.

Isa pa, kung nakikita mo naman na nagkaka-cross ang line of sight ninyo at ramdam mo naman ang tensyon, 'wag ka nang magmaamaangan pa dude! Usually kasi masyado tayong nagdwedwell sa pakiramdaman e! Kausapin mo 'yung tao nang malaman mo ang disposisyon nya sa buhay! Hindi 'yung maghihintayan kayo na magyayayaan! Been there, done that. Chos.

  • Be friendly. Eto, kung ayaw mo i-rush ang things, be friendly without making paasa! Huwag makipagflirt kung ayaw mo naman umasa at masaktan at mag-expect ng sobra 'yung tao pero kung gusto nyo naman at feel nyo naman, then go! Huwag lang masyadong subtle at i-settle nyo na kung anong namamagitan or whatsoever before pa tumagal at ma-stuck kayo sa pa-fling fling at MU MU lang. Batukan kita dyan e. Kung na-stuck nga kayo, at sissy kayo masyado para magsalita about the states of your lives, e dyan na nga lang talaga kayo. Enjoy nyo while it lasts. Hay.
  • Interact through common grounds. Kaya mo naman siguro sya nagustuhan e dahil may nakikita ka sa kanya na common sa inyong dalawa. Imposibleng wala, unless first impression mo lang 'yun at nawala na rin. Sorry na lang. Invite mo sya sa mga gigs mo o kaya naman e mag-usap kayo about entertainment na lahat naman siguro makakarelate. As for a girlaloo like me, gusto ko makakausap ko about a lot of things under the sun tulad ng video games, books, Sciences o films man. Madami naman mapag-uusapan unless wala talaga syang alam sa mundo. No way Jose!
  • Wag makuntento sa pagtitig. Magsalita ka! Sobra bang ganda nya or may dumi sa mukha nya puro titig ka na lang at nonverbal cues? Ano to, manghuhula ba 'yung kasama mo at puro sya na lang ang magtatanong? Be interesting because YOU ARE INTERESTING. ;) E, kung wala talagang pag-asa, maghanap ka na lang ng katitigan sa tuwina. Hopeless dude, hopeless.
  • Matuto ka rin makinig. Alam naman natin na kung interested sa'yo ang isang tao, makikinig sya nang makikinig pero grabe naman ateng at koyang, pagkwentuhin mo rin naman sya. Ano to, conference ba 'to ng buhay mo? Talambuhay lang ang peg? 'Wag ganun, nakakasawa 'yung puro ikaw lang nagkwekwento. Sya rin naman may karapatan magkwento. Tao rin naman sya. Relationships should be mutual, favor begets favor at nagbibigayan unless gusto lang nya talaga makinig sa'yo.
  • WAG MANHID. Kapag sinabi nya na sa mukha mo ang mga nararamdaman nya, kung gusto mo rin naman edi 'wag mo na pakawalan. Nag-iinarte ka pa kung talaga bang may gusto sa'yo e sobrang obvious na nga. Sinabi na nga nya na na-miss ka nya sa mukha mo at gusto ka nya makita e dedma ka pa rin at nakatitig lang. Hopeless na 'yan. Lahat na ng cues nandyan na sa mukha mo, wag kang engot. Chos. Kung ayaw mo naman, 'wag naman pahabain ang hair para madaming naghahabol. Sabihin mo agad para maka-move on na tayong lahat.

Friday, 19 October 2012

Lerki Life Evah Acads!

Hello! Ayy grabe! Na-miss ko talaga ang magsulat-sulat ang magblog-blog dahil medyo hiatus tayo mga koyang at ateng! Ayy grabe, dapat nga siguro maglie low muna ako sa trabahong magsulat-sulat eni ng kung anu-ano about sa life ko, sa life mo, sa life ni ganyan, ganito. Syempre, natakot naman ako mga people sa bagong balita about our dear country. Aba naman, mamaya malalaman nyo na lang blogging na ako from the precinct. Yehesss. Maka-precinct wagas.

Syempre, nag-isip isip din ako ng matagal... kani-kanina lang, about ano bang pwede kong i-blog bago ako mapunta sa kulungan. Charot. O, eto na ang aking mahiwagang tips about academics. Tsaka na tayo mag-usap uli tungkol sa love life mo koyang at ateng. Tsaka na 'yan. Acads acads din.

Dahil nawindang ako sa pagpasok ng Oktubre, syempre di ko namalayan inamag na 'yung kalendaryo ko kasi sa Agosto pa naka-set di ba, gagawa na lang ako ng mga tips na na-synthesize ko mula sa aking struggle sa buhay acads na naging sanhi ng pagkawala ng aking social life, 'yung legit na social life ha. Hindi 'yung social life na nakasabay lang sa jeep at small talk.
Okay, enough with the chitchat. hihi. More time for that at the end of the semester!

1. Gumamit ng organizer, mark your calendars, get set, go! Isa sa mga natutunan ko ngayong semestre ay ang paggamit ng organizer. Ang organizer ay hindi naman kailangang bilihin sa book store o pag-ipunan pa para lang makuha sa Starbucks. Maaaring simpleng maliit na notebook lang kung saan mo isusulat ang mga dapat mo gawin na nai-set mo na or ng professor mo as deadlines ng mga dapat gawin. Isulat mo nang isulat ang mga fixed dates at kahit tentative dates para makita mo kung meron ka nga bang free time at panggimik time. Minsan kasi, sinasabi natin na malayo pa ang three weeks or four weeks pero kapag pala naisulat mo na ang mga dapat mo gawin, wala ka na palang oras kahit sa pagkain o pagtulog. 'Yung totoo, h'wag mag-assume at isulat ang mga dapat isulat. Magandang habit ito.

2. Magplano ahead of time at gawin ang pwede gawin nang mas maaga. Kasunod ito ng paggamit ng organizer o kalendaryo. Ito ang pagplaplano at paglalagay ng step-by-step process ng dapat mo gawin at gawaan mo na rin ang sarili mo ng deadline. For example, kahit na three weeks pa ang deadline ng one-page essay mo sa isang subject, maglaan ka ng time para magbasa about sa isusulat mo kahit tig-30mins every day tapos maglaan ka ng araw para maisulat iyon. Sa halip na magfacebook para magrant sa hindi matapos-tapos na papel, gawin mo na lang. Mapapaganda mo pa ang assignment/project/paper mo laluna kung i-extend pa ng professor ang deadline. Mas magiging bongga na nga ang paper mo, hindi ka pa magcra-cram.

3. Kapag motivated, huwag ipagpaliban. Personally, may times talaga na nagiging active ang pag-secrete ng utak ko ng mga creative juices kaya nagagawa ko ang mga dapat ko gawin. May mga times na naglalaro ako pero itinitigil ko kapag nagkaroon ako ng urge na magsulat tungkol sa isang partikular na subject.

4. Makisali sa mga masisipag mag-aral. Kapag talaga may times na may mahihina ang loob at hindi makatanggi sa mga BI friends, pero parang guilty pleasure ang dating, please lang layuan mo na sila or dumistansya ka na. Mas okay kapag nakikisama ka sa mga masisipag mag-aral. Hoy, wag mo sabihin na boring kasama ang mga masisipag mag-aral. Tingnan mo ako, may sense of humor naman ako a. hahaha.

5. Relax after studying or take a break from what you are doing. Okay lang mag-aral ng sobra pero syempre napapagod din naman ang katawan natin. Iwasan na masyadong magpuyat para todo effort. Mahalaga rin na nakakapagrelax pagkatapos magstudy. Matulog, kumain, mag-enjoy for a few minutes bago uli sumabak sa giyera. Sabi nga ng British motto: All work and no play makes Jack a dumb boy. Syempre, wag naman puro play ateng at koyang. Maawa kayo sa nagpapaaral sa inyo.

6. Have someone to talk to about academic stuff. Ayan, napapa-English na tuloy ako. So ayun nga, kaakibat nito 'yung tip number 4. Maghanap ka ng pwede mo makausap about a certain subject. Healthy rin na makipagsocialize about a lot of things at makakatulong din sa retention ang pakikinig sa ibang tao laluna kung ang pinag-uusapan ninyo ay ang mga dapat pag-usapan about school works and deadlines. Mamaya di mo alam na deadline na pala next week nung plate ninyo, di mo pa alam.

7. Magpaconsult sa professor. Mahalaga ang magpaconsult sa prof laluna kung nalalabuan ka sa subject matter. Hindi naman sila naglalagay ng consultation hours sa syllabus for nothing. Matututo ka na, madali ka pang matatandaan ng professor as a responsible student. Oh, di ba? Pa-impress din 'yun ha.

8. Reward yourself. Kapag nagtop ka sa exam or mataas ang recitation grade mo, huwag matakot na i-reward ang sarili kahit sa simpleng paraan ng pagbili ng paboritong pagkain or clothing para ma-enjoy ang effort sa pag-aaral. Syempre, huwag namang magparty party na parang wala nang bukas. Parang na-perfect mo lang naman 'yung quiz na 5 items lang naman. True or False pa. I-reward ang sarili ng naaayon sa nakamit at ayon sa financial capability.

So, ayan. Pagod na ako. May gagawin pa akong mahalaga. Sa uulitin mga masisipag na mamamayan!
--Girlaloo

Tag- oohlalan!

Alam naman nating lahat na kapag tumira ka sa Pilipinas na tropical na bansa ay kailangan mong maghanda sa isang taon na pag-ulan at pagbaha. Kailangan na laging maghanda laluna kung ang tirahan mo ay mababa. Ayan, maglilista na lang ako ng mga gawain ko kapag chumu-chuva(Portuguese term for rain). Syempre yung iba alam mo naman na ginagawa mo, uiiiii aminin! Oha, eto na. Dahil natripan ko nanamang magsulat at tumitig sa chumuchuva at kumikidlat na langit. Eto na! Eto na talaga! Nako, sana naman hindi masyadong umulan. We don't like that naman, di ba? Mag-end na nga lang ang sem, may panirang keme pa?! Ano yan? haha 1. Magdadala ng payong kapag umaalis ng bahay. 'Yung totoo, aba, alam mo na ngang tag-ulan every day and every month and every year eh pinagpapaliban mo pa ang pagdadala ng payong?! Aba! Necessity na 'yan sa mga panahong ito. Nako, kung ayaw mo, di wag. Pero minsan nakaka-aning sina ateng at koyang na fine-feel ang "It's raining men! Halle---" oh sya. Kung saan ka masaya, pero ako, kahit sira ang payong ko, keri na yan! 2. Mag-emote with the falling raindrops. Unless gusto mong mag-ala-Singing in the Rain ang peg, ayan, tara at mag-emote tayo nang meg-emote. Bleeding Love o mga Secondhand Serenade keri na yan. O kaya mag-ala diva ka ng mga kantang Mariah Carey, Alicia Keys o kaya naman ay Celine Dion. Kung mas trip mo, try mo gumawa ka na rin ng music video in the rain. Magandang effect yun. 3. Matulog! Ayy! Bet na bet ko talaga ang gawain na ito, alam mo 'yung feeling na hihiga ka sa nalamigan na kama from the water vapors or malamig lang talaga 'yung kama kasi natuluan na from the bintana! Ayy! Malamig talaga! Walang reklamo dito! 4. Umasa na may suspension. Okay to kapag may mga exam ka na gusto mong ma-move o kaya naman e umpisa pa lang ng klase. Ako kasi, hindi ko trip na magsuspend pa ng klase kapag patapos naman na ito. Baka i-extend pa nila ang klase hanggang sembreak. Sobra na huh. 5. Magchocolate at Magnoodles o magsopas. Masarap kumain ng mga maiinit na sabaw at chocolate ah! Kung trip mo rin, pwede ka rin dumayo ng Starbaks at umorder ng mainit na kape. Keri! 6. Jackets and Hoodies Galore! Woo! Kapag tag-ulan syempre nagagamit natin ang mapopormang jackets natin na hindi natin nagagamit kapag mainit! Bonggabels ang paggamit ng mga scarfs at mga kung ano-anong pampatong na vests para ma-feel ang breeze at minsan ay umuusok na bibig kapag nagsasalita! 7. Internet. Magtext. Mag-alala. Oo, may damdamin din ako. :)) Wala na ako maisip! Ikaw! Anong trip mo kapag tag-ulan? Keri! Sa susunod na kabanata with girlaloo emotera! :))

"Gusto nya ba Ako?"

Eto ang kadalasang problema ng mga malalandi nagbibinata at nagdadalaga. "Gusto ko sya, gusto kaya niya ako?" Aba, syempre hindi naman pwede na forever eye-wooing lang ang peg ng buhay ng isang tao kaya naman kailangan nating kumayod ng kumayod para kumita ng pera at matulungan ang ating mga magulang o mga taong nagpa-aral sa atin at nag-alaga. Aba, kahit naman konting utaaaang na loob mga ateng at koyang, 'yung totoo, bago makipaglandian makipagkaibigan at alamin kung gusto ko ng gusto mo, aba naman, give back give back din sa mga nagkumahog para sa inyo. Charot.

Okay, sige. Ipagpalagay natin na go na go ako at tino-tolerate ko ang mga kung ano-anong ewan na 'yan. kebs. haha

Okay, pipilitin ko na ma-sense kung ano ang mga signs na gusto ka nya. Mahirap kasi ito, paiba-iba sa bawat tao. Mahirap na laluna kung pa-mysterious siya.

Okay, hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Anek! Ilalagay ko din ang mga websites tungkol sa kalandian mga signs kung paano malaman kung gusto ka nya.

 

1. Open Body Positions. Eto 'yung tinatawag ko mismo na comfortable positions. Kapag ang isang tao ay walang ka-keme keme kung makipag-usap sa iyo, ibig sabihin ay receptive sya sa sinasabi mo. You're in! Madaming nasasakop ang open body positions, i-search mo sa google para malaman mo. Although for shy people, hindi mo talaga malalaman laluna kung iba talaga ang movement nya from the population.

2. Pag-invade sa iyong personal space. Ako personally, ang aking personal bubble ay medyo malaki. Siguro mga around 3 feet away from me considered close na? Char. Kapag ayoko talaga sa tao hindi ako masyadong lalapit sa kanya. Bakit ba? Eh ayoko nga sa'yo e bakit kita hahawakan? Ayun. So kapag kunwari, may gusto akong tao, as much as possible gusto ko na wasakin(wasakin talaga teh?) ang kanyang personal bubble. Vice versa din pwede.

3. Subtle touching. Eto ay parang subconscious na gawain na napansin ko. Kapag may gusto ka sa isang tao, whether as friend or special someone, hindi mo mapapansin na lagi mo syang nahahawakan. Kaya kunwari, may hawak ng hawak sa 'yo o kaya naman ay pa-simpleng hampas ng kamay, likely na touchy ang taong iyon o comfortable sya na hawakan ka. Mag-ingat lang sa mga hawak na unnecessary naman.

4. Inuulit na words, or panggagaya sa body position mo. Kapay ginagaya ka nya kahit sa small things at 'yung body position mo ay mimicked nya, likely na he/she likes you! Period.

5. Binabakuran ka. Kapag gusto nya na ma-solo ka lang nya at ilayo sa friends mo, baka gusto nya na you're all to himself/herself. Char.

6. Eye contact. Mahalaga ang part na ito sa communication. Alam mo 'yan.

7. Making time for you and your friends. Mahalaga ito dahil kung gusto ka ng isang tao, gagawa at gagawa sya ng paraan para maisama ka nya sa schedule nya kahit nagkakanda-letse letse na ang buhay niya sa sobrang hectic na schedule nya. Maaari rin na tanggihan ka nya pero gagawa sya ng paraan upang bumawi sa na-miss na moment with you. Aww. :D Isa pa ang pakikipagkilala rin sa friends mo. Ayos 'yan!

8. Inaalam nya ang schedule mo. Siguro naman hindi 'yung stalker-ish na way para alamin ang schedule mo kung hindi ay pagtanong sa'yo kung ano ang gagawin mo sa certain na araw. "Let's meet up!"

9. Dilated Eyes. Hmm... sa buong buhay ko, hindi ko pa na-try na tingnan kung naka-dilate ang eyes ng isang tao dahil mahirap alamin or sobrang frigid ko lang na wala ako paki pero madami rin na nagsabi na totoo daw na nagdidilate ang pupils kapag gusto ng isang tao ang kanyang tinitingnan.

 

Bibliography/ Further Reading:

http://changingminds.org/techniques/body/open_body.htm

http://www.formspring.me/ramonbautista

http://www.ehow.com/signs-someone-likes-you/

 

O, sa uulitin na lang.

Mga Uri ng Kemerloo Guru

Ayan, dahil back to the mood na naman ang peg ko, tara lets at pag-usapan ang mga uri ng Guru, yes, guru, mga tisher na inaayawan ng buong madla o ginagawang kras ng bayan. Yehess. Exciting! Mailalabas na rin natin ang mga sama ng loob sa mga guru na yan. Kainis! May mga times na ibabagsak natin sila dahil sa sobrang faillllure lang ang kanilang pagpapakaguru. Hayy nako. Ka-stress sa bangs, sa hair, sa noo. Let's start!

1. Hula Hoops Guru. Dahil recently ay na-victimize ako ng kemerloo na pinag-uusapan na ng buong kolehiyo na nanghuhula lang ng grades. Ito 'yung mga prof na walang kasipag-sipag na kilalanin ang mga estudyante, sabaw magturo at kahit anong effort ang gawin mo, hula hoops ang peg. Kung mai-shoot ng tama, edi okay. Kung hindi naman, hello 5.0 o kaya naman ay 3.0. Panira talaga ng magandang record ang mga ganitong guru! Sarap s--- ayan. Basta, alam naman ng madlang people na nakakaasar ang mga ganitong guru. Laluna kung haluan mo pa ng tamad factor.

2. Breaktime Guru. Eto 'yung mga tisher na masarap i-trash na lang ang klase nya dahil nasayang lang ang tuition mo sa kanya. Ayy grabe! Parang sa isang semestre mga limang beses lang kayo nagmeet at tuwing magmeet kayo ang gagawin lang nya ay tumunganga at magsalita-salita ng requirements na hindi naman talaga nya natatandaan later on. Syempre, as good girls and boys naman, ipapaalala natin sa kanya 'yun. Enjoy ang mga ganitong prof na mataas maggrade(at high grade lang ang habol mo) pero nakakaasar din kung Hula Hoops din pala ang combo nya.

3. Overloaded Guru. Ito 'yung mga guru na hindi naman overloaded ang weight kundi overloaded kung magbigay ng assignment and requirements. Grabe lang ha. Sir/ma'am, hindi lang kayo ang prof namin, hane? Kumusta naman daw ang mga guru na super duper over to the highest level kung magpa-project. Ayy grabe lang. Akala mo naman sya lang 'yung kinuha mo para sa buong sem. May advantages din naman ito laluna kung worth it ang pagpapagod mo. Itaas ang grado!

4. Damot Guru. Eto, pinsan ata sa genes ito ni Hula Hoops. Hindi nga sya nanghuhula, pero ang highest grade lang na maibibigay nya, kahit anong effort mo ay 85/100 o kaya naman 2.75. Minsan, misleading ang mga hitsura ng mga Damot Guru. Akala mo sobrang bait at sobrang galing sa klase. Pagdating ng pagkuha mo sa grades mo, ayy kumusta naman daw ang pinagsamahan nyo at effort mo. So UNFAIRRRRRR.

5. Hinahontok Guru. Minsan ito 'yung mga guru na ginagamit mong breaktime ang klase kahit todo effort sya pagtuturo. Nakakaantok! Hindi mo ma-keri ang kanyang monotonous na pagsasalita na iisipin mo na Clefairy(Pokemon) ang guru mo. Kahit anong pilit mo, walang mangyari. Mahirap labanan ang antok, ma'am/sir! Gagamitin ko na lang ang oras mo para mag-aral para sa exam ko mamaya! Ganyan ang peg ng klase nin Hinahontok Guru.

6. Digress+Daldal Guru. Eto 'yung mga guru na gustong-gusto mong kunin kasi masaya sa klase nya. Napakadaldal ng guru mo at trip na trip nyo na makipagkwentuhan sa kanya. Magtuturo sya for a few minutes tapos pwede na kayong magdaldalan about sa life nyo! Wala nang narating ang lesson. After some days, mapapansin nyo na nasa lesson 1 pa rin kayo dahil autobiography pala 'yung mostly natutunan nyo sa kanya.

7. SF Guru. SF(Strict and Fun) Guru ang isa sa mga trip ng most students. Eto 'yung mga guru na masaya magturo pero at the same time hindi mo papabayaan ang pag-aaral mo sa class nya. Hindi ka kakabahan kasi fun nga sya magturo. Gusto ko ang mga ganitong prof, laluna kung fair sya maggrade.

8. "What do you think?" Guru. Eto 'yung mga guru na natapos na 'yung class na naka-isang daan na syang tanong sa klase ng "What do you think", "What can you say?", "Anong masasabi nyo" at todo naman kayo sagot dahil napipilitan na kayo. Puro na lang opinion ng klase ang narinig, wala daw syang say at hindi sya nagbabasa kaya 'yung klase na lang ang tinatanong nya. Kulang na lang, kayo na lang ang magturo at sya na lang ang estudyante.

9. Favoritism Guru. Eto ang mga guru na walang ginawa kung hindi pansinin ang kanyang mga crush, este  favorite sa class. Puro si crush, oops si favorite student ang tatawagin everytime. Either favorite tawagin o kaya naman ay favorite ipahiya sa klase. Walang magawa itong si guru na 'to. Mag one-on-one na lang kaya sila ng crush, este favorite student noh? Hello! Nandito po kami, sir/ma'am.

10. "Katakyut" Guru. Eto 'yung kapag nakasalubong mo e sobrang nanginginig ka pero kapag pinag-uusapan nyo na ng mga friends mo ay todo backstab ka dahil sa kasamaan ng ugali ng guru na ito.
Ayan! Tapusin na muna natin dito. Nahilo ako sa mga guru na 'yan. Nawala sa isip ko 'yung iba pa. Yan na lang muna. Babayoo!

Paano ba Hindi Maging Boring?

Originally Posted by
Somebody on August 28, 2012

Hello Ateng at Kuya, nandito nanaman ako, si girlaloo emotera. HAHAHA JOKE.
So ngayon naman ay magbibigay ako ng tips para hindi ka maging boring around your friends and loved ones at mga strangers na bagong kilala mo pa lang pero bet mo na. So eto na nga ang episode na PAANO BA HINDI MAGING BORING? Paano nga ba? Ako pa talaga magbibigay ng tips ano? Eh ang boring boring ko nga kausap e. Asahan daw ba ako. O, sige ito na ang mahiwagang tips ko para hindi maging boring. Ang ilan sa mga ito, maaaring nakuha ko kay sir Dragon so yes, watch out.

1. Magsulat sa maliit na index card('yung 1/8 ata 'yun) ng mga tanong na gusto mo tanungin o mga gusto mong gawin sa buhay mo. Kapag napapanis ang laway around the person you wanna know, ilabas lang ang mahiwagang index card kung saan mo isinulat ang mga tanong na gusto mo itanong tulad na lamang ng name, age, address, ilan sila magkakapatid, ano itsura ng bahay nila, anong gusto nyang pagkain, favorite color, mga bagay na ayaw nya at gusto nya, gets mo na 'yun. Alam ko din may game na ganyan e... 'yung nabibili sa bookstore/toy shop about introductions/getting to know. Medyo weird nga lang na ilabas mo nang biglaan ito pero 'yun lang talaga ang paraan e, tawagin ka mang weird or korni, at least di ba hindi lalo napanis laway mo o ninyo.

2. Matutong makinig at makagets ng jokes. Get out into the world at mag-alam alam din sa mga subcultures ng mundo. Grabe naman kung wala kang alam na joke sa buong buhay mo. Tingin-tingin din ha, o kaya naman kinig kinig din sa mga sinasabi ng mga tao. May mga jokes na aaligid aligid lang dyan. Magbasa ka ng mga jokebooks at alamin ang humor ng iba't-ibang tao. Manood ka ng mga comedy shows or stage plays at matutong ngumiti.

3. Magkaroon ng magandang outlook sa buhay. See the world in a different perspective kahit once a while. Magdivert ka naman sa mga usual mo ginagawa mo. Baka naman kasi nabobore ka na sa buhay mo na paulit-ulit lang. Routine lang ba ang buhay? There's more to life! Syempre, there's more to life than drinking and taking drugs at hithit ng sigarilyo na nakakapagpasabog ng baga. Ang sinasabi ko dito is maghanap ng mga healthy options at activities. Ang mga physically fit ay mas maraming magagawa compared sa mga nakaupo lagi. Depression ang labas natin yan. O ha, seryoso ako. Charot.

4. Makisama sa mga taong may positive outlook. Bilang karagdagan sa previous item, isa sa makakadagdag sa pagpapatuloy at pagchange ng lifestyle for the better ay ang pakikisama sa mga taong may positive outlook sa buhay. Ayy grabe! Speaking of... sino nga naman ba ang magtyatyaga sa isang friend na puro na lang problema ang pambungad sa'yo teh! Isip isip din, nakakahawa kaya ang mga negative vibes!

5. Huwag magtry hard. Ganito iyon, pwede mong i-try at i-try ang lahat para maging nakakatawa pero kung out of this world, correction: universe, ang iyong sense of humor, anek na! Ayy grabe wag magtry hard. Pwede naman na hindi ka nakakatawa pero over na nga 'yung hindi na nga nakakatawa, ang sarap pang sipain sa mukha. SIPAIN SA MUKHA.

Ayan. Lima lang ang nakayanan ko, masaya ka na?! Chos. Kasi naman, ewan ko ba! Siguro naman kung may naboboringan sa'yo dahil waley na waley ang jokes mo sa kanila/sa kanya, hindi click e. Hayy. Di bale, wala naman sa pinakanakakatawa 'yan e. Nasa puso 'yan. Hihi. Kainis. HAHAHA
O, ayan. Hintayin nyo na lang ako sa susunod kong post ha!

"Bakit ba ayaw nya sa akin?"

BABALA: Maaaring maka-offend ang mababasa mo.

 

Siguro naman ay napunta ka na sa sitwasyon kung saan parang nararamdaman mo na ayaw sa iyo ng kaibigan mo o ng gusto mo o kahit sino. Oo, may mga ganyan talaga. You can't please everyone, di ba? Ayan, maglilista ako ng ilang mga rason kung bakit ayaw nya sa iyo at siguro ay fix na rin kung paano nyo magagawaan ng paraan.

 

1. Wala kayong common grounds. Siguro naman kung may common sense ka ay maiintindihan mo naman ang ibig sabihin ng unang rason na ito. Siya kasi mahilig sa K-Pop o J-pop o kaya naman sa lollipop pero ikaw ayaw mo talaga at di ka makaka-relate(tulad ko) sa mga kung ano-anong pop na yan kaya ayaw nya sa'yo o maaaring ayaw mo rin sa kanya kahit gusto mo sya sa unang tingin, first impressions do not always last forever(Nosebleed).

FIX: Kung may tyaga ka at willing ka talaga dumaan sa dugo at pagod para sa taong 'yun, pwede naman na kilalanin mo pa sya ng tuluyan dahil baka surface lang ng pagkatao ang nakikita mo. Hindi naman siguro sya ganun ka-shallow na tao para wala kayong mapag-usapan di ba? Try mo pag-usapan 'yung feelingera na friend nyo(joke lang, wag nyo gawin to, bad). Try nyo kaya pag-usapan muna ang buhay workplace nyo or buhay estudyante(lakas maka-PBB o). Baka may matipuhan kayo na pareho na gusto. Try and try and try! Kung wala talaga, bahala ka na dyan.

 

2. Boring ka kasama. Maari na hindi ikaw ang tipo ng tao na ganun kataas ang sense of humor o kaya naman e hindi nya lang talaga ma-gets ang humor mo. Iba kasi ang level e.

FIX: Walang fix. joke. Hmm. Baka naman kasi konektado itong problema na ito sa unang rason: magkaiba kayo ng wavelengths koyang/ateng. Ang fix dito ay huwag ka muna magpatawa at huwag muna magtry hard na patawanin sya. The mere fact na hindi sya natatawa sa joke mo ay isang sign na ayaw nya sa 'yo o talagang korni ka. Try mo muna maglie low at maghintay na sya naman ang magpatawa. Baka naman kasi hindi ka rin natatawa sa jokes nya. Tama na. Naglolokohan na lang kayo. Chos. Try mo naman magbasa ng mga comic books or joke books para makahanap ng nakakatawa na line, manood ng Gandang Gabi Vice or mga gag shows.

 

3. Mataas ang standards nya. Kunwari ay ikaw ay isang average guy na hindi naman masyadong conscious sa nangyayari sa paligid at sa sarili at siya naman ay isang girlie na lumaki sa isang napakalamig na lugar, lumaki sya sa refrigerator tapos hindi sya sanay sa mainit na places. Ikaw, bilang lumaki sa mahirap na buhay at init ng araw ay hindi nya trip dahil nga ikaw ay laki sa araw. Gets mo na 'yun. Maarte sya.

Fix: Walang fix unless ibahin niya ang standards nya. Ayaw kung ayaw. Wag pilitin. Kung hindi nya kaya lumevel sa iba't-ibang uri ng tao, hindi mo problema 'yun. Maghanap ka ng iba na tatanggap sa'yo maging sino ka man. <3 hihi. yikee. PBB Teens.

 

4. May circle of friends na sya. Eto 'yung isa sa mga reasons kung bakit ayaw nya sa'yo. Dahil siya ay mayroon na group of friends at ikaw ay isa lamang tao na makikisama lamang, mahihirapan sya na isali ka sa kanyang group of friends kahit gusto nya. Peer pressure ang peg nito.

Fix: Hindi naman nya forever makakasama ang circle of friends nya kung kaya hangga't may panahon na nagkikita kayo ay pwede naman kayo maging friends unless sobrang clingy lang nya at hindi nya kayang mabuhay kung wala ang kanyang besties and closies. Sorry na lang. Gawa ka na lang ng sarili mong organisasyon. Rakenroll.

 

5. Dominating ka masyado. Minsan, ayaw ng tao sa'yo dahil ikaw ang may problema. Masyado ka siguro bossy at possessive sa mga tao kaya naman iniisip mo na ayaw nya agad sa'yo o kaya naman e gusto ka naman nya kaso may attitude ka na mag-utos utos (ever!) sa mga nakapaligid sa'yo. Nakahanap lang ng katulong? Nababayaran teh? So ayun. *highblood*

FIX: Pansinin mo rin ang nararamdaman ng iba at intindihin din ang sinasabi nila. Kung gusto ka magustuhan ng taong iyon, mag-effort ka naman. Smile, be kind, show respect.

 

6. Masama ugali mo, masama ugali nya. Baka naman kasi may attitude ka o sya kaya ayaw nyo sa isa't isa. May attitude kayo na ayaw ng isa. Ganun talaga.

FIX: Walang fix. Hindi talaga compatible unless one or both changes for the better.

 

Alam ko kulang pa ang listahan. Kung ikaw ang tatanungin, bakit ayaw mo sa isang tao?