Friday, 19 October 2012

"Bakit ba ayaw nya sa akin?"

BABALA: Maaaring maka-offend ang mababasa mo.

 

Siguro naman ay napunta ka na sa sitwasyon kung saan parang nararamdaman mo na ayaw sa iyo ng kaibigan mo o ng gusto mo o kahit sino. Oo, may mga ganyan talaga. You can't please everyone, di ba? Ayan, maglilista ako ng ilang mga rason kung bakit ayaw nya sa iyo at siguro ay fix na rin kung paano nyo magagawaan ng paraan.

 

1. Wala kayong common grounds. Siguro naman kung may common sense ka ay maiintindihan mo naman ang ibig sabihin ng unang rason na ito. Siya kasi mahilig sa K-Pop o J-pop o kaya naman sa lollipop pero ikaw ayaw mo talaga at di ka makaka-relate(tulad ko) sa mga kung ano-anong pop na yan kaya ayaw nya sa'yo o maaaring ayaw mo rin sa kanya kahit gusto mo sya sa unang tingin, first impressions do not always last forever(Nosebleed).

FIX: Kung may tyaga ka at willing ka talaga dumaan sa dugo at pagod para sa taong 'yun, pwede naman na kilalanin mo pa sya ng tuluyan dahil baka surface lang ng pagkatao ang nakikita mo. Hindi naman siguro sya ganun ka-shallow na tao para wala kayong mapag-usapan di ba? Try mo pag-usapan 'yung feelingera na friend nyo(joke lang, wag nyo gawin to, bad). Try nyo kaya pag-usapan muna ang buhay workplace nyo or buhay estudyante(lakas maka-PBB o). Baka may matipuhan kayo na pareho na gusto. Try and try and try! Kung wala talaga, bahala ka na dyan.

 

2. Boring ka kasama. Maari na hindi ikaw ang tipo ng tao na ganun kataas ang sense of humor o kaya naman e hindi nya lang talaga ma-gets ang humor mo. Iba kasi ang level e.

FIX: Walang fix. joke. Hmm. Baka naman kasi konektado itong problema na ito sa unang rason: magkaiba kayo ng wavelengths koyang/ateng. Ang fix dito ay huwag ka muna magpatawa at huwag muna magtry hard na patawanin sya. The mere fact na hindi sya natatawa sa joke mo ay isang sign na ayaw nya sa 'yo o talagang korni ka. Try mo muna maglie low at maghintay na sya naman ang magpatawa. Baka naman kasi hindi ka rin natatawa sa jokes nya. Tama na. Naglolokohan na lang kayo. Chos. Try mo naman magbasa ng mga comic books or joke books para makahanap ng nakakatawa na line, manood ng Gandang Gabi Vice or mga gag shows.

 

3. Mataas ang standards nya. Kunwari ay ikaw ay isang average guy na hindi naman masyadong conscious sa nangyayari sa paligid at sa sarili at siya naman ay isang girlie na lumaki sa isang napakalamig na lugar, lumaki sya sa refrigerator tapos hindi sya sanay sa mainit na places. Ikaw, bilang lumaki sa mahirap na buhay at init ng araw ay hindi nya trip dahil nga ikaw ay laki sa araw. Gets mo na 'yun. Maarte sya.

Fix: Walang fix unless ibahin niya ang standards nya. Ayaw kung ayaw. Wag pilitin. Kung hindi nya kaya lumevel sa iba't-ibang uri ng tao, hindi mo problema 'yun. Maghanap ka ng iba na tatanggap sa'yo maging sino ka man. <3 hihi. yikee. PBB Teens.

 

4. May circle of friends na sya. Eto 'yung isa sa mga reasons kung bakit ayaw nya sa'yo. Dahil siya ay mayroon na group of friends at ikaw ay isa lamang tao na makikisama lamang, mahihirapan sya na isali ka sa kanyang group of friends kahit gusto nya. Peer pressure ang peg nito.

Fix: Hindi naman nya forever makakasama ang circle of friends nya kung kaya hangga't may panahon na nagkikita kayo ay pwede naman kayo maging friends unless sobrang clingy lang nya at hindi nya kayang mabuhay kung wala ang kanyang besties and closies. Sorry na lang. Gawa ka na lang ng sarili mong organisasyon. Rakenroll.

 

5. Dominating ka masyado. Minsan, ayaw ng tao sa'yo dahil ikaw ang may problema. Masyado ka siguro bossy at possessive sa mga tao kaya naman iniisip mo na ayaw nya agad sa'yo o kaya naman e gusto ka naman nya kaso may attitude ka na mag-utos utos (ever!) sa mga nakapaligid sa'yo. Nakahanap lang ng katulong? Nababayaran teh? So ayun. *highblood*

FIX: Pansinin mo rin ang nararamdaman ng iba at intindihin din ang sinasabi nila. Kung gusto ka magustuhan ng taong iyon, mag-effort ka naman. Smile, be kind, show respect.

 

6. Masama ugali mo, masama ugali nya. Baka naman kasi may attitude ka o sya kaya ayaw nyo sa isa't isa. May attitude kayo na ayaw ng isa. Ganun talaga.

FIX: Walang fix. Hindi talaga compatible unless one or both changes for the better.

 

Alam ko kulang pa ang listahan. Kung ikaw ang tatanungin, bakit ayaw mo sa isang tao?

0 comments:

Post a Comment