Eto ang kadalasang problema ng mga malalandi nagbibinata at nagdadalaga. "Gusto ko sya, gusto kaya niya ako?" Aba, syempre hindi naman pwede na forever eye-wooing lang ang peg ng buhay ng isang tao kaya naman kailangan nating kumayod ng kumayod para kumita ng pera at matulungan ang ating mga magulang o mga taong nagpa-aral sa atin at nag-alaga. Aba, kahit naman konting utaaaang na loob mga ateng at koyang, 'yung totoo, bago makipaglandian makipagkaibigan at alamin kung gusto ko ng gusto mo, aba naman, give back give back din sa mga nagkumahog para sa inyo. Charot.
Okay, sige. Ipagpalagay natin na go na go ako at tino-tolerate ko ang mga kung ano-anong ewan na 'yan. kebs. haha
Okay, pipilitin ko na ma-sense kung ano ang mga signs na gusto ka nya. Mahirap kasi ito, paiba-iba sa bawat tao. Mahirap na laluna kung pa-mysterious siya.
Okay, hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Anek! Ilalagay ko din ang mga websites tungkol sa kalandian mga signs kung paano malaman kung gusto ka nya.
1. Open Body Positions. Eto 'yung tinatawag ko mismo na comfortable positions. Kapag ang isang tao ay walang ka-keme keme kung makipag-usap sa iyo, ibig sabihin ay receptive sya sa sinasabi mo. You're in! Madaming nasasakop ang open body positions, i-search mo sa google para malaman mo. Although for shy people, hindi mo talaga malalaman laluna kung iba talaga ang movement nya from the population.
2. Pag-invade sa iyong personal space. Ako personally, ang aking personal bubble ay medyo malaki. Siguro mga around 3 feet away from me considered close na? Char. Kapag ayoko talaga sa tao hindi ako masyadong lalapit sa kanya. Bakit ba? Eh ayoko nga sa'yo e bakit kita hahawakan? Ayun. So kapag kunwari, may gusto akong tao, as much as possible gusto ko na wasakin(wasakin talaga teh?) ang kanyang personal bubble. Vice versa din pwede.
3. Subtle touching. Eto ay parang subconscious na gawain na napansin ko. Kapag may gusto ka sa isang tao, whether as friend or special someone, hindi mo mapapansin na lagi mo syang nahahawakan. Kaya kunwari, may hawak ng hawak sa 'yo o kaya naman ay pa-simpleng hampas ng kamay, likely na touchy ang taong iyon o comfortable sya na hawakan ka. Mag-ingat lang sa mga hawak na unnecessary naman.
4. Inuulit na words, or panggagaya sa body position mo. Kapay ginagaya ka nya kahit sa small things at 'yung body position mo ay mimicked nya, likely na he/she likes you! Period.
5. Binabakuran ka. Kapag gusto nya na ma-solo ka lang nya at ilayo sa friends mo, baka gusto nya na you're all to himself/herself. Char.
6. Eye contact. Mahalaga ang part na ito sa communication. Alam mo 'yan.
7. Making time for you and your friends. Mahalaga ito dahil kung gusto ka ng isang tao, gagawa at gagawa sya ng paraan para maisama ka nya sa schedule nya kahit nagkakanda-letse letse na ang buhay niya sa sobrang hectic na schedule nya. Maaari rin na tanggihan ka nya pero gagawa sya ng paraan upang bumawi sa na-miss na moment with you. Aww. :D Isa pa ang pakikipagkilala rin sa friends mo. Ayos 'yan!
8. Inaalam nya ang schedule mo. Siguro naman hindi 'yung stalker-ish na way para alamin ang schedule mo kung hindi ay pagtanong sa'yo kung ano ang gagawin mo sa certain na araw. "Let's meet up!"
9. Dilated Eyes. Hmm... sa buong buhay ko, hindi ko pa na-try na tingnan kung naka-dilate ang eyes ng isang tao dahil mahirap alamin or sobrang frigid ko lang na wala ako paki pero madami rin na nagsabi na totoo daw na nagdidilate ang pupils kapag gusto ng isang tao ang kanyang tinitingnan.
Bibliography/ Further Reading:
http://changingminds.org/techniques/body/open_body.htm
http://www.formspring.me/ramonbautista
http://www.ehow.com/signs-someone-likes-you/
O, sa uulitin na lang.
0 comments:
Post a Comment