Originally Posted by
Somebody on August 28, 2012
Somebody on August 28, 2012
Hello Ateng at Kuya, nandito nanaman ako, si girlaloo emotera. HAHAHA JOKE.
So ngayon naman ay magbibigay ako ng tips para hindi ka maging boring around your friends and loved ones at mga strangers na bagong kilala mo pa lang pero bet mo na. So eto na nga ang episode na PAANO BA HINDI MAGING BORING? Paano nga ba? Ako pa talaga magbibigay ng tips ano? Eh ang boring boring ko nga kausap e. Asahan daw ba ako. O, sige ito na ang mahiwagang tips ko para hindi maging boring. Ang ilan sa mga ito, maaaring nakuha ko kay sir Dragon so yes, watch out.
1. Magsulat sa maliit na index card('yung 1/8 ata 'yun) ng mga tanong na gusto mo tanungin o mga gusto mong gawin sa buhay mo. Kapag napapanis ang laway around the person you wanna know, ilabas lang ang mahiwagang index card kung saan mo isinulat ang mga tanong na gusto mo itanong tulad na lamang ng name, age, address, ilan sila magkakapatid, ano itsura ng bahay nila, anong gusto nyang pagkain, favorite color, mga bagay na ayaw nya at gusto nya, gets mo na 'yun. Alam ko din may game na ganyan e... 'yung nabibili sa bookstore/toy shop about introductions/getting to know. Medyo weird nga lang na ilabas mo nang biglaan ito pero 'yun lang talaga ang paraan e, tawagin ka mang weird or korni, at least di ba hindi lalo napanis laway mo o ninyo.
2. Matutong makinig at makagets ng jokes. Get out into the world at mag-alam alam din sa mga subcultures ng mundo. Grabe naman kung wala kang alam na joke sa buong buhay mo. Tingin-tingin din ha, o kaya naman kinig kinig din sa mga sinasabi ng mga tao. May mga jokes na aaligid aligid lang dyan. Magbasa ka ng mga jokebooks at alamin ang humor ng iba't-ibang tao. Manood ka ng mga comedy shows or stage plays at matutong ngumiti.
3. Magkaroon ng magandang outlook sa buhay. See the world in a different perspective kahit once a while. Magdivert ka naman sa mga usual mo ginagawa mo. Baka naman kasi nabobore ka na sa buhay mo na paulit-ulit lang. Routine lang ba ang buhay? There's more to life! Syempre, there's more to life than drinking and taking drugs at hithit ng sigarilyo na nakakapagpasabog ng baga. Ang sinasabi ko dito is maghanap ng mga healthy options at activities. Ang mga physically fit ay mas maraming magagawa compared sa mga nakaupo lagi. Depression ang labas natin yan. O ha, seryoso ako. Charot.
4. Makisama sa mga taong may positive outlook. Bilang karagdagan sa previous item, isa sa makakadagdag sa pagpapatuloy at pagchange ng lifestyle for the better ay ang pakikisama sa mga taong may positive outlook sa buhay. Ayy grabe! Speaking of... sino nga naman ba ang magtyatyaga sa isang friend na puro na lang problema ang pambungad sa'yo teh! Isip isip din, nakakahawa kaya ang mga negative vibes!
5. Huwag magtry hard. Ganito iyon, pwede mong i-try at i-try ang lahat para maging nakakatawa pero kung out of this world, correction: universe, ang iyong sense of humor, anek na! Ayy grabe wag magtry hard. Pwede naman na hindi ka nakakatawa pero over na nga 'yung hindi na nga nakakatawa, ang sarap pang sipain sa mukha. SIPAIN SA MUKHA.
Ayan. Lima lang ang nakayanan ko, masaya ka na?! Chos. Kasi naman, ewan ko ba! Siguro naman kung may naboboringan sa'yo dahil waley na waley ang jokes mo sa kanila/sa kanya, hindi click e. Hayy. Di bale, wala naman sa pinakanakakatawa 'yan e. Nasa puso 'yan. Hihi. Kainis. HAHAHA
O, ayan. Hintayin nyo na lang ako sa susunod kong post ha!

0 comments:
Post a Comment