Friday, 19 October 2012

Mga Uri ng Kemerloo Guru

Ayan, dahil back to the mood na naman ang peg ko, tara lets at pag-usapan ang mga uri ng Guru, yes, guru, mga tisher na inaayawan ng buong madla o ginagawang kras ng bayan. Yehess. Exciting! Mailalabas na rin natin ang mga sama ng loob sa mga guru na yan. Kainis! May mga times na ibabagsak natin sila dahil sa sobrang faillllure lang ang kanilang pagpapakaguru. Hayy nako. Ka-stress sa bangs, sa hair, sa noo. Let's start!

1. Hula Hoops Guru. Dahil recently ay na-victimize ako ng kemerloo na pinag-uusapan na ng buong kolehiyo na nanghuhula lang ng grades. Ito 'yung mga prof na walang kasipag-sipag na kilalanin ang mga estudyante, sabaw magturo at kahit anong effort ang gawin mo, hula hoops ang peg. Kung mai-shoot ng tama, edi okay. Kung hindi naman, hello 5.0 o kaya naman ay 3.0. Panira talaga ng magandang record ang mga ganitong guru! Sarap s--- ayan. Basta, alam naman ng madlang people na nakakaasar ang mga ganitong guru. Laluna kung haluan mo pa ng tamad factor.

2. Breaktime Guru. Eto 'yung mga tisher na masarap i-trash na lang ang klase nya dahil nasayang lang ang tuition mo sa kanya. Ayy grabe! Parang sa isang semestre mga limang beses lang kayo nagmeet at tuwing magmeet kayo ang gagawin lang nya ay tumunganga at magsalita-salita ng requirements na hindi naman talaga nya natatandaan later on. Syempre, as good girls and boys naman, ipapaalala natin sa kanya 'yun. Enjoy ang mga ganitong prof na mataas maggrade(at high grade lang ang habol mo) pero nakakaasar din kung Hula Hoops din pala ang combo nya.

3. Overloaded Guru. Ito 'yung mga guru na hindi naman overloaded ang weight kundi overloaded kung magbigay ng assignment and requirements. Grabe lang ha. Sir/ma'am, hindi lang kayo ang prof namin, hane? Kumusta naman daw ang mga guru na super duper over to the highest level kung magpa-project. Ayy grabe lang. Akala mo naman sya lang 'yung kinuha mo para sa buong sem. May advantages din naman ito laluna kung worth it ang pagpapagod mo. Itaas ang grado!

4. Damot Guru. Eto, pinsan ata sa genes ito ni Hula Hoops. Hindi nga sya nanghuhula, pero ang highest grade lang na maibibigay nya, kahit anong effort mo ay 85/100 o kaya naman 2.75. Minsan, misleading ang mga hitsura ng mga Damot Guru. Akala mo sobrang bait at sobrang galing sa klase. Pagdating ng pagkuha mo sa grades mo, ayy kumusta naman daw ang pinagsamahan nyo at effort mo. So UNFAIRRRRRR.

5. Hinahontok Guru. Minsan ito 'yung mga guru na ginagamit mong breaktime ang klase kahit todo effort sya pagtuturo. Nakakaantok! Hindi mo ma-keri ang kanyang monotonous na pagsasalita na iisipin mo na Clefairy(Pokemon) ang guru mo. Kahit anong pilit mo, walang mangyari. Mahirap labanan ang antok, ma'am/sir! Gagamitin ko na lang ang oras mo para mag-aral para sa exam ko mamaya! Ganyan ang peg ng klase nin Hinahontok Guru.

6. Digress+Daldal Guru. Eto 'yung mga guru na gustong-gusto mong kunin kasi masaya sa klase nya. Napakadaldal ng guru mo at trip na trip nyo na makipagkwentuhan sa kanya. Magtuturo sya for a few minutes tapos pwede na kayong magdaldalan about sa life nyo! Wala nang narating ang lesson. After some days, mapapansin nyo na nasa lesson 1 pa rin kayo dahil autobiography pala 'yung mostly natutunan nyo sa kanya.

7. SF Guru. SF(Strict and Fun) Guru ang isa sa mga trip ng most students. Eto 'yung mga guru na masaya magturo pero at the same time hindi mo papabayaan ang pag-aaral mo sa class nya. Hindi ka kakabahan kasi fun nga sya magturo. Gusto ko ang mga ganitong prof, laluna kung fair sya maggrade.

8. "What do you think?" Guru. Eto 'yung mga guru na natapos na 'yung class na naka-isang daan na syang tanong sa klase ng "What do you think", "What can you say?", "Anong masasabi nyo" at todo naman kayo sagot dahil napipilitan na kayo. Puro na lang opinion ng klase ang narinig, wala daw syang say at hindi sya nagbabasa kaya 'yung klase na lang ang tinatanong nya. Kulang na lang, kayo na lang ang magturo at sya na lang ang estudyante.

9. Favoritism Guru. Eto ang mga guru na walang ginawa kung hindi pansinin ang kanyang mga crush, este  favorite sa class. Puro si crush, oops si favorite student ang tatawagin everytime. Either favorite tawagin o kaya naman ay favorite ipahiya sa klase. Walang magawa itong si guru na 'to. Mag one-on-one na lang kaya sila ng crush, este favorite student noh? Hello! Nandito po kami, sir/ma'am.

10. "Katakyut" Guru. Eto 'yung kapag nakasalubong mo e sobrang nanginginig ka pero kapag pinag-uusapan nyo na ng mga friends mo ay todo backstab ka dahil sa kasamaan ng ugali ng guru na ito.
Ayan! Tapusin na muna natin dito. Nahilo ako sa mga guru na 'yan. Nawala sa isip ko 'yung iba pa. Yan na lang muna. Babayoo!

0 comments:

Post a Comment