Friday, 19 October 2012
Tag- oohlalan!
Alam naman nating lahat na kapag tumira ka sa Pilipinas na tropical na bansa ay kailangan mong maghanda sa isang taon na pag-ulan at pagbaha. Kailangan na laging maghanda laluna kung ang tirahan mo ay mababa. Ayan, maglilista na lang ako ng mga gawain ko kapag chumu-chuva(Portuguese term for rain). Syempre yung iba alam mo naman na ginagawa mo, uiiiii aminin!
Oha, eto na. Dahil natripan ko nanamang magsulat at tumitig sa chumuchuva at kumikidlat na langit. Eto na! Eto na talaga! Nako, sana naman hindi masyadong umulan. We don't like that naman, di ba? Mag-end na nga lang ang sem, may panirang keme pa?! Ano yan? haha
1. Magdadala ng payong kapag umaalis ng bahay. 'Yung totoo, aba, alam mo na ngang tag-ulan every day and every month and every year eh pinagpapaliban mo pa ang pagdadala ng payong?! Aba! Necessity na 'yan sa mga panahong ito. Nako, kung ayaw mo, di wag. Pero minsan nakaka-aning sina ateng at koyang na fine-feel ang "It's raining men! Halle---" oh sya. Kung saan ka masaya, pero ako, kahit sira ang payong ko, keri na yan!
2. Mag-emote with the falling raindrops. Unless gusto mong mag-ala-Singing in the Rain ang peg, ayan, tara at mag-emote tayo nang meg-emote. Bleeding Love o mga Secondhand Serenade keri na yan. O kaya mag-ala diva ka ng mga kantang Mariah Carey, Alicia Keys o kaya naman ay Celine Dion. Kung mas trip mo, try mo gumawa ka na rin ng music video in the rain. Magandang effect yun.
3. Matulog! Ayy! Bet na bet ko talaga ang gawain na ito, alam mo 'yung feeling na hihiga ka sa nalamigan na kama from the water vapors or malamig lang talaga 'yung kama kasi natuluan na from the bintana! Ayy! Malamig talaga! Walang reklamo dito!
4. Umasa na may suspension. Okay to kapag may mga exam ka na gusto mong ma-move o kaya naman e umpisa pa lang ng klase. Ako kasi, hindi ko trip na magsuspend pa ng klase kapag patapos naman na ito. Baka i-extend pa nila ang klase hanggang sembreak. Sobra na huh.
5. Magchocolate at Magnoodles o magsopas. Masarap kumain ng mga maiinit na sabaw at chocolate ah! Kung trip mo rin, pwede ka rin dumayo ng Starbaks at umorder ng mainit na kape. Keri!
6. Jackets and Hoodies Galore! Woo! Kapag tag-ulan syempre nagagamit natin ang mapopormang jackets natin na hindi natin nagagamit kapag mainit! Bonggabels ang paggamit ng mga scarfs at mga kung ano-anong pampatong na vests para ma-feel ang breeze at minsan ay umuusok na bibig kapag nagsasalita!
7. Internet. Magtext. Mag-alala. Oo, may damdamin din ako. :))
Wala na ako maisip! Ikaw! Anong trip mo kapag tag-ulan?
Keri! Sa susunod na kabanata with girlaloo emotera! :))
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment