Eto na naman, ang mga tips about sa pakikipagsocialize sa ibang tao. Sa totoo lang, kung gagawin nating simple ang lahat ng bagay, less people ang mag-iinarte tungkol sa buhay nila na sobrang saklap.(Aral-aral din mga papormang ewwness).
Okay, so ang mga tips na ito ay about sa "how to make paramdam" to your loved one and stop being "torpe" ya know. Conyo style. Charot lang 'yung conyo style.
Okay, puro nonsense na sinasabi ko so let's start!
Unang-una, make the first move. Kung ikaw may gusto, 'wag masyadong pa-sissy at maghintay. Kung hindi rin naman sya makakuha ng hint, tigilan na natin ito kung wala ka rin namang gagawin. Ang usual tendencies naman kasi ng tao ay magkagusto sa taong binibigyan sya ng espesyal na attention maliban na lang kung di ka talaga trip at ayaw nya sa mukha mo. Sorry na lang.
Isa pa, kung nakikita mo naman na nagkaka-cross ang line of sight ninyo at ramdam mo naman ang tensyon, 'wag ka nang magmaamaangan pa dude! Usually kasi masyado tayong nagdwedwell sa pakiramdaman e! Kausapin mo 'yung tao nang malaman mo ang disposisyon nya sa buhay! Hindi 'yung maghihintayan kayo na magyayayaan! Been there, done that. Chos.
- Be friendly. Eto, kung ayaw mo i-rush ang things, be friendly without making paasa! Huwag makipagflirt kung ayaw mo naman umasa at masaktan at mag-expect ng sobra 'yung tao pero kung gusto nyo naman at feel nyo naman, then go! Huwag lang masyadong subtle at i-settle nyo na kung anong namamagitan or whatsoever before pa tumagal at ma-stuck kayo sa pa-fling fling at MU MU lang. Batukan kita dyan e. Kung na-stuck nga kayo, at sissy kayo masyado para magsalita about the states of your lives, e dyan na nga lang talaga kayo. Enjoy nyo while it lasts. Hay.
- Interact through common grounds. Kaya mo naman siguro sya nagustuhan e dahil may nakikita ka sa kanya na common sa inyong dalawa. Imposibleng wala, unless first impression mo lang 'yun at nawala na rin. Sorry na lang. Invite mo sya sa mga gigs mo o kaya naman e mag-usap kayo about entertainment na lahat naman siguro makakarelate. As for a girlaloo like me, gusto ko makakausap ko about a lot of things under the sun tulad ng video games, books, Sciences o films man. Madami naman mapag-uusapan unless wala talaga syang alam sa mundo. No way Jose!
- Wag makuntento sa pagtitig. Magsalita ka! Sobra bang ganda nya or may dumi sa mukha nya puro titig ka na lang at nonverbal cues? Ano to, manghuhula ba 'yung kasama mo at puro sya na lang ang magtatanong? Be interesting because YOU ARE INTERESTING. ;) E, kung wala talagang pag-asa, maghanap ka na lang ng katitigan sa tuwina. Hopeless dude, hopeless.
- Matuto ka rin makinig. Alam naman natin na kung interested sa'yo ang isang tao, makikinig sya nang makikinig pero grabe naman ateng at koyang, pagkwentuhin mo rin naman sya. Ano to, conference ba 'to ng buhay mo? Talambuhay lang ang peg? 'Wag ganun, nakakasawa 'yung puro ikaw lang nagkwekwento. Sya rin naman may karapatan magkwento. Tao rin naman sya. Relationships should be mutual, favor begets favor at nagbibigayan unless gusto lang nya talaga makinig sa'yo.
- WAG MANHID. Kapag sinabi nya na sa mukha mo ang mga nararamdaman nya, kung gusto mo rin naman edi 'wag mo na pakawalan. Nag-iinarte ka pa kung talaga bang may gusto sa'yo e sobrang obvious na nga. Sinabi na nga nya na na-miss ka nya sa mukha mo at gusto ka nya makita e dedma ka pa rin at nakatitig lang. Hopeless na 'yan. Lahat na ng cues nandyan na sa mukha mo, wag kang engot. Chos. Kung ayaw mo naman, 'wag naman pahabain ang hair para madaming naghahabol. Sabihin mo agad para maka-move on na tayong lahat.
0 comments:
Post a Comment