Okay, dahil classes started na naman, tara at magpakasaya! Or on the other side, magpaka-emo dahil sa dami na naman ng problema. Oo, laging may problema kapag pasukan na.
Eto na ang random tips ka para sumaya naman ang buhay natin. Seryoso ako ha.
1. Makinig sa musika. Kapag tag-ulan na at nasa may bintana ka, dagdagan ng emosyon ang kalungkutan at pagpatak ng ulan ng mala-Adele o Mariah Carey na kanta. Idagdag mo pa si Beyonce at Lady Antebellum. I-push mo na din ang Up Dharma Down, Parokya ni Edgar at Silent Sanctuary songs. Hayyy life. Pwede rin magwork ang opposite genre ng music - happy songs! Sabay iyak sa ka-bitteran.
2. Maghanap ng kausap. Kung friend mo pa 'yan, nanay, tatay, o kapatid, i-push mo 'yan. Baka kailangan mo lang maglabas ng sama ng loob from time to time. Wag naman araw-araw. Baka makahawa ka na n'yan.
3. Kumanta habang nagshoshower. Kung walang ulan at mainit lang naman, tumambay sa shower at doon magrealize ng mga life decisions. Ingat lang sa tubig. Tipid tipid rin. Mahirap din ang buong araw nasa banyo. May iba pang gagamit.
4. Exercise. Baka naman ang depression mo ay dala ng iyong health issues. Subukang magbawas ng timbang, o magdagdag, sa pamamagitan ng pag-exercise. It puts you in the mood to do work or study plus inaayos nito ang metabolism mo so kung mataba or mapayat ka, okay yan. Siguraduhin lang na consistent ang pag-exercise dahil kapag natigil ka ay baka magreverse ang effect.
5. Umiyak at sumigaw at magtapon ng gamit. Huwag gagawin sa bahay na importante ang mga gamit. Maghanap ng safe place kung saan pwede kang magsisigaw (preferably bundok) at magtatapon ng porcelain plates, or kung tight sa budget, gumamit ng bato.
6. Maglinis ng bahay. Trust me, nakakawala ng isip sa kung ano man. And fulfilling din. Kahit magstart ka na lang muna sa desk mo sa kwarto mo. Hihi.
0 comments:
Post a Comment