Dahil pasukan na naman, magbibigay naman ako ng mga dapat mo gawin kapag first day of school. Siguro hindi mo naman talaga kailangan gawin pero there's nothing wrong with trying naman di ba?
1. Una, alamin kung saan ang classroom mo. Kahit anong year mo na or grade sa school, dapat naman na alam mo kung saan ka didiretso sa first day of school. Magtanong sa guard o sa mga teachers o sa kahit sinong pwedeng pagtanungan na reliable laluna kung malaki ang land area ng school mo.
2. Matutong makisama sa ibang tao. Kahit naman hindi mo ito sa first day of school pero isang advantage ang magkaroon agad ng kakilala sa klase na pwede mo i-contact about your class doings other than your teacher or professor. Hindi mawawala sa pag-aaral ang need na makipagsocialize at mga groupworks. Isang simpleng "hi" lang ay pwede na to start a conversation. Pare-pareho lamang kayo na mangangailangan pagdatin ng panahon.
3. Siguraduhin na verified at bayad ka na sa tuition. Huwag din iwawala ang Official Receipt na bayad ka na.
4. Kilalanin ang prof. Maging alerto at alamin ang professor mo. Kung nasa kolehiyo ka na at alam mo nang alanganin, mag-iba ka na agad ng subject.
5. I-orient ang sarili sa schedule. Iba't iba ang schedule ng iba't ibang estudyante. Masanay ka sa iba't ibang subjects sa school at sanayin ang sarili kahit bago pa man magpasukan.
6. Maghanda ng school supplies. First day na first day tapos wala kang school supplies? Ano yan, hangover pa ng bakasyon?! 'yung totoo? Magdrop ka na. Chos.
7. Kung maaaring pumili ng sariling upuan/seating arrangement, umupo sa malapit sa gitna, sa unahan hanggang sa third row. Kapag umupo ka sa nasabing posisyon, mas maririnig mo ang ituturo at makakapagfocus ka ng matino.
Nakakatamad, may hangover pa ako sa bakasyon. joke. see you soon!
Sunday, 9 June 2013
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment