Dahil nocturnal ako at sa umaga ako natutulog, magsusulat na ako ng maisip ko na dapat mo gawin dahil malapit na naman ang enrollment! Aral-aral na naman. Syempre kung hindi ka nag-aaral ngayon at nagtratrabaho ka, hindi para sa'yo ang post na ito. Move on. Ehem. Okay, so paano ba ang dapat gawin sa enrollment people? Ang mga sumusunod ay mga dapat tandaan kapag nag-eenroll:
1. Magdala ng tubig at pagkain kung maaari. Kailangan natin lagi ang tubig laluna kung ang eskwelahan na eenrollan mo e sandamakmak ang tao at ilang araw lang ang enrollment. Asahan mo na na siksikan at mahaba ang pila. Wala ka nang panahon na bumili ng tubig at pagkain. Baunin mo na kaysa naman umalis ka pa sa pila para lang bumili. Sayang ang oras.
2. Magkaroon ng buddy. Kapag ang peg ng school mo ay peg din ng school ko na sandamakmak ang pila at minsan di ka na makahinga sa sikip at dami ng tao, magsama ka na ng buddy na tutulong sa iyo pumila o bumili ng inumon o pagkain. In short, 'yung pwede mo hingian ng favor na pumila or utusan mo. Syempre, that's what friends are for di ba?
3. Ilagay ang pangtuition sa safe na place. Ito ay napakahalaga. Huwag mo nang i-risk na manakaw pa ang mga tuition fee nyo. Ilagay mo sa tagong parte ng bag mo at huwag ipangalandakan sa madla. Huwag iaasa sa guards ang safety. Isipin na agad na dahil enrollment, alam ng mga nagnanakaw na magbabayad kayo ng tuition. Kailangan din kaya niya ng pangtuition noh.
4. Maging alerto. Mahalaga talaga na laging maging alerto, kahit hindi pa enrollment. Alamin kung ano ang nangyayari at kung magiging worth it ang iyong paghihintay. Mamaya pipila-pila ka tapos mali naman 'yung pinilahan mo. Alamin kung ano ang nangyayari sa paligid. Huwag basta magsaksak ng earplugs sa tenga.
5. Itago ang resibo, o Official Receipt. May mga tao na mahilig lang na balewalain ang kanilang Official Receipt. Kailangan ito dahil ito ang proof na nagbayad ka. Minsan bawal ka mag-exam kapag wala ka nito. Minsan naman, hindi ka papapasukin kung hindi mo ito maipapakita. Dito na-veverify na nagbayad ka nga kaya wag naman ito lukutin o iwala.
Saturday, 8 June 2013
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment