Saturday, 4 January 2014

Stage 1: Paano Ba Nya Ako Magugustuhan?

Ayan! Nabuhay na naman ako at nailipat ko na ang aking stagnant na website dito sa blogspot dahil bonggang bongga na si ateng nyo ngayon! Aba, busy busy sa acads at other extra curricular activities! Havey na havey! Ayan! Okay, push na natin ito sa mga tips ko na hindi ko alam kung effective ba. Anyway, here ya go!

Dahil sa sobrang nauubos na ang mga brave people sa world na handang ma-reject, kailangang i-push ang pag-Google about sa tips at mga do's and do not's na 'yan, ako na naman ay nandito para magbigay ng tips about sa paggusto sa inyo na iyong mga gusto ninyo.

On to the landian!

1. Magpakilala face-to-face. Matanong ko lang, paano ka naman nya magugustuhan kung hindi ka naman nya kilala? Or hanggang Facebook lang kayo? Seryoso ba itu, stalk stalk na lang ba ang life natin mga ateng at koya? Ser.yo.so? Okay fine. Syempre dapat magpakilala ka nang harapan at para magkaalaman na ng first impressions and all other sorts.

2. Tingin tingin. Sa first days na magkakilala kayo, kahit 'wag mo na munang i-push nang i-push. Minsan kasi 'yung iba sabi agad ng feelings (which is not exactly a bad thing sometimes) tapos syempre jump agad to the ilang state or worse, hate stage. Enjoy the moments muna at huwag matakot na ma-"friendzone" dahil dalawang daan lang 'yan: maging friends kayo muna or maging kayo na agad.

3. Huwag matakot magcompliment. Kahit bansagan ka na nya na bolero/bolera, takte alam naman nating lahat na gustong gusto naman nya na kino-compliment sya. Oo, gustuhin man natin o hindi, totoo man o hindi, masarap ang feeling na ikaw ay nafla-flatter ng kahit sino. Promis, it's a trap. A good trap.


4. Huwag plastik. Oo, magcompliment ka na bukal sa iyong puso. Huwag magpretend. Let the energy flow in you. May mga bagay naman siguro na kagusto-gusto sa iyo di ba? Be yourself. Kung ukol, tatanggapin ka nya maging sino ka man and better if mas gagawin ka nyang better person.

5. Magpakilala sa friends. Masaya kapag may mutual friends para at least malaman mo ang vibe sa mga oras oras. Hihi.

Ayun. Tinamad na ako. Lol. Paulit ulit na ako sa mga ganitong issues. KALOKA


0 comments:

Post a Comment