Sunday, 12 July 2015

Ayoko na Dito sa Bahay!

Minsan, nakakainis talaga sa bahay laluna kapag


Kahit na mahal naman natin ang ating nanay, o kahit sino man na nag-alaga sa atin at kasama sa bahay, hindi naman maiwasan na mainis tayo o maasar kapag nagiging naggy na sila at maingay.

Ito na ang mga dapat gawin kapag nauumay ka na!

1. Huwag ka nang sumagot. E kaya nag-aaway-away pa e kasi nakikisabay ka pa sa magulang mo. E kaya nga sila magulang e, kasi magulang sila! Gets?

2. Maghanap ng ibang gagawin... na productive! Huwag lamang basta kasi maglakwatsa at kung anu-anong ginagawa. Madami ka namang pwedeng gawin sa bahay na tahimik at mag-isa lang. Magbasa ka ng libro! Trust me. Been there, done that. 

3. Lumabas. Magjogging o makipagmeet sa mga fellow intellectuals (HAHA). Sure ito. Kumuha ka ng workshop or classes outside the academic environment. Meet new people and get ideas from them. You'll be surprised at the amount of knowledge and social skills you'll learns from others.

4. Help doing house chores. Nasa isip lang naman ang katamaran. Nasanay lang tayo na puro laro at saya. Fulfilling din kaya ang magluto at maghugas ng pinggan, among other things.

5. Makinig sa music. Kapag nandyan na naman si nagging mom at baka gusto lang nya maglabas ng sama ng loob at kinakausap na naman niya ang sarili nya, magmusic ka na lang. Para kumalma kayong dalawa. Music is powerful!

6. Magsulat ng tula. Kapag masama din ang loob mo, ilabas mo ito sa paggawa ng creative things tulad ng poetry, prose and drawing. Mas malayo ang mararating nito kaysa magmukmok ka sa tabi at mainis lang sa paligid mo.

7. Isipin ang lahat ng mga positibong bagay. Refer to #1. Isiping mabuti ang mas malaking scope ng problema. Face your problems calmly at huwag husgahan lahat. Huwag gawing personal ang atake sa mga tao at gawing maayos ang pakikipagusap. Magmumukha kang matalinong mediator at mabait na tao. Tumpak! Pak na Pak!

8. Makinig. Magobserve. Huwag puro emosyon, bibig at galit ang paganahin. Maghanap ng ibang perspektibo sa bawat sitwasyon.

Madami pang pwedeng gawin. Huwag magpaka-emote at magtweet na "Bored na ako" o "boring sa bahay." You are capable of doing other things. Subukan mong magbasa, baka matauhan ka.