Monday, 4 May 2015

Paano Ba Hindi Maging Boring? The 2nd Installment

So basically dapat nag-eenjoy na ako in life pero dahil marami pa ring mga tao na nagrereklamo dahil supah dupah bored daw sila in  life, here are some of the things na pwede mong gawin kapag bored ka. Or kapag isa ka talagang boring na tao at napapanis na ang laway mo kasama ang mga tao dyan sa bahay nyo. Pwes, I am here to make another of my lists! O ha. Andamiiiii kong time 5ever.

1. Maglaro kayo ng board games. Wala akong pakialam kung sa computer or legit na board game ang gagamitin nyo. Whether sa tablet or sa computer or sa wooden board, magyaya ka ng relatives to play. Bonding moment ito laluna sa holidays and you're spending the time at home! Kung feeling mo naman ay gusto maging more ancient (char.),  try nyo magsungka. Sungka tournament.

2. Write. Try mo magsulat ng kahit ano. Don't make excuses na hindi ka artist or wala kang talent. Just. Do. It. You never know, may talent ka pala sa pagsusulat. YAY. Kung kailangan ng motivation, magsulat ng tula sa isang stationary paper at ibigay sa iniirog. Kapag hindi ka sinagot, ibig sabihin hindi sya ma-art at hindi nya deserve ang super awesome na tao na katulad mo. Lol pampalubag loob e.

3. Mag-aral ng musical instrument. Or any instrument for that matter. Makakadagdag sa skills mo at self-esteem ang pagplay ng musical instrument. Try mo lang. Baka may musical talent ka pala na natatago.

4. Magbasa ng libro. Dalawa lang naman ang mangyayari kapag nagbasa ka ng libro: matatapos mo ang libro o aantukin ka sa pagbabasa. Either works to kill boredom.

5. Maghanap ng kausap. Maghanap ka ng makakausap sa buhay tungkol sa mga mahahalagang aspeto ng ating lipunan tulad ng pulitika at agham. Huwag naman puro tsismisan sa buhay ng ibang tao. Isipin mo naman ang progress ng ating bansa at ng ating mga kababayan. Masaya 'to. Makipagdebate if you must.

6. Pumunta sa isang malayong lugar at magrelaks. Baka naman kailangan mo lang huminga mula sa napakagulong syudad. This is your chance. Reward yourself a weekend to yourself (or with a loved one hehe).

7. Kung nag-aaral, magrest every 45 minutes. Huwag i-go nang i-go kasi nakakahilo magbasa at mag-aral nang tuloy tuloy. Magrest ka nang 15 minutes every 45 minutes na pagbabasa o pag-aaral. Relaks! Calm down! Kaya ka reklamo nang reklamo na bored ka.

8. Maghanap ng gagawin. Hay nako, kung kailan mo pa ng tulong, CLICK HERE. Pero meaning nun hopeless ka na at wala kang ginagawa na productive sa buhay mo at ibig sabihin nun kailangan mo isipin ang mga desisyon mong ginagawa. Mukhang wala kang nararating.