Thursday, 31 October 2013

Makuha Ka Sa Tingin: Ayaw Ko Sa 'Yo

Gusto ko lang magsulat randomly kaya ito na.
Ito ang kadalasan sa mga signs na ipapahiwatig ko kapag ayaw ko sa iyo/nahihiya ako/hindi tayo magka-wavelength(chos)/SADYANG BORING KA. (Pwede rin na ginagawa ng iba)

1. Lumalayo ako. Either kasi may something sa iyo, may hindi kaaya-aya na physical thing or hygiene. Ayoko nun. Kapag napapansin mo na medyo hindi na ako humihinga or tumatalikod at hindi ka na kinakausap at puro "okay" na lang ang sagot ko, ibig sabihin na naghahanap na ako ng pagkakataon na lumayo sa iyo. (Hindi talaga ako nang-jujudge ng tao pero iba na kasi kapag may physical manifestation. Mahalaga sa akin ang hygiene. Wag naman masyadong toxic.) Chorrrr. *Feeling mabango ahihi*

2. Hindi kita kinakausap. Giveaway na teh. Kapag tahimik lang ako, ibig sabihin gusto ko lang makinig sa pinag-uusapan, wala akong pakialam sa topic, or wala akong pakialam sa mga nag-uusap. Wala akong interes. Siguro, hindi naman sa ayaw ko pero wala lang talaga akong pakialam. Kebs.
3. Ngiting aso. Malabo itu. Kapag 'yung ngiti ko ay ngisi lang or hindi talaga nagpapakita ng ngipin, nako makaramdam ka, kapag pilit lang 'yung ngiti. Hindi ako komportable! Distansya ka muna or someth. Basta.
4. Hindi ako ang unang mag-aapproach. (hindi naman lagi) Pero usually ako mag-aapproach if mukha kang vulnerable (VULNERABLE talaga, teh?!) at gusto ng kausap pero kapag nahihiya ako or ayaw lang talaga kita makausap, dedma or hintay na lang. Mabubuhay ako nang hindi nagsasalita for days! Pramis, teh! (Di lang ako mabubuhay ng walang kanta kanta at pagkain, huehuehuehue)
5. Makuha ka sa tingin. Oiiii, hindi ibig sabihin tiningnan kita, gusto na kita. Minsan, 'yung mata ko, nang-aanalyze ng mga bagay bagay. Minsan kasi nahihirapan ako lumevel sa iba't ibang tao. Tingin tingin na lang muna. Madaming douche sa paligid! Nako, trust me. Kailangan ng discernment these days! Madaming mapagpanggap!
6.Gago ka. Oo, obvious naman. Kung gago ka, alam mo na. AYAW KO SA GAGO. Teka, ililsta ko mga GAGO sa vocabs ko:

USER / WALANG HIYA/TAMAD / MISSING IN ACTION SA PROJECTS / HINDI NAGREREPLY SA IMPORTANT MESSAGES PERO ALAM NAMAN NA "SEEN" / SINUNGALING / HINDI TUMUTUPAD SA USAPAN(FO NA AGAD)/PLASTIK/WALANG HYGIENE/MALANDI/FEELING RIGHTEOUS/ FEELING RELIGIOUS UBOD NAMAN SA BISYO/ NAGMAMALINIS/ MANINIRANG PURI/ TAHIMIK PERO GAGO PALA/ PLAGIARISTS/ HINDI NANGCRECREDIT NG TAO/ WALANG SARILING BAIT/ SAKIM/SELFISH/ INGGITERO/INGGETERA/ LUSTY PEOPLE/ MGA NEGA VIBES
Kulang pa 'yan pero siguro alam mo na kung ano 'yung gago.

7.Lagi akong tumitingin ako sa orasan o sa wristwatch ko. Bored na ako or wala lang talaga akong pakialam sa kung ano mang nangyayari o pinag-uusapan ng mga tao. Mas mahalaga pa na magbilang ako ng oras, ibig sabihin.

8. Hindi kita tinatabihan. Nilalayuan nga kita, bakit kita tatabihan? Unless wala nang mauupuan e di no choice. Di naman ako obligated kausapin ko de vah? PUSH!
9. Naghahanap na ako ng contacts sa phone ko ng pwede kong makausap ng matino. Ayaw kita kausapin. PERIOD.
10. Hindi mapakali, laging atat umalis. Unless busy talaga ako at madaming appointments, mas pinipili ko mapag-isa or maglibrary kesa sa makipag-usap sa taong ayaw ko. CHORRRRR. Basa basa ng libro kapag may time.